PAGOD na ang isip ko kakaisip
SAKIT na ng bulsa ko kakagastos..
at HIRAP na ang katawan kong labanan ang antok..
SAKIT na ng bulsa ko kakagastos..
at HIRAP na ang katawan kong labanan ang antok..
Ilang linggo ng namamaga ang mata ko dahil kulang sa tulog o mas madaling sabihin na KULANG SA GISING.. Talagang pinaghirapan namin ang PRESENTATION namin sa History.. Puyat, Pagod, Dugo, Pawis, Sipon at Uhog ang pinuhunan namin para maging maayos ang presentation namin ngayon.. Hindi ko na maalala kung ano pinaggagawa ko ngayong linggo.. Ang alam ko lang,,. NAGUTOM AKO, NAPAGOD, INANTOK, TINAMAD, NAG-DRAWING, NAGSULAT, UMARTE, NAG-INARTE AT TUMAWA..
Alam ko kahit hindi sabihin ni ELI, CHA, LIZEL, RIZWANNA, JOHN, RENE, MARLON, JOY, ROXANNE AT DADA na nakaramdam sila ng panandaliang kaligayahan at kung minsan ay nakaramdam din ng matinding BOREDOM..
Sa bawat practice at pagkikita namin para gumawa ng mga props.. Isa lang ang masasabi ko.. "ANSAYA"..
Sa kabila ng lahat,,. alam kong naging successful yung presentation namin. Kahit na may mga pagkakataon na nawawala kami sa mga SARILI namin.. Kahit na nagkaroon ng mga eksenang hindi namin inaasahan.. Alam ko,, WE DID OUR BEST.. AT para sa lahat ng mga paghihirap at pagsasakripisyo namin para sa araw na 'to.. NARAMDAMAN ko ang tunay na kahulugan ng salitang "SUCCESS".

No comments:
Post a Comment